Nagsimula na ang pag-imprenta ng mga opisyal na balota para sa plebisito sa Calaca, Batangas na nakatakda sa Setyembre ngayong taon, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes.
Ayon sa Comelec, ang pag-imprenta ng mga balota at accountable forms para sa plebisito ay ginanap sa National Printing Office sa Quezon City.
Itinakda ang plebisito sa Setyembre 20 para pagtibayin ang conversion ng munisipalidad ng Calaca, Batangas sa isang component city.
"Each ballot measures 4.5 by 8 and bears the question, 'Pumapayag ka ga na ang munisipalidad ng Calaca ay gawing isang lungsod ng probinsya ng Batangas na kikilalanin bilang lungsod ng Calacala alinsunod sa Batas ng Republika Bilang 11544 na kilala din bilang Charter of the City of Calaca?" ayon sa Comelec.
Ang mga botante ay kailangang sumulat ng alinman sa "Yes" o "OO" upang bumoto para sa pag-apruba ng panukala, o "No" o "Hindi" upang bumoto para sa pagtanggi nito o rejection.
Lumalabas sa datos ng Comelec printing committee na may kabuuang 58,881 official ballots ang naimprenta nitong Martes ng umaga.
Samantala, sinabi ng Comelec ipagpapatuloy ang pag-imprenta ng balota sa susunod na mga araw para sa plebisito para pagtibayin ang paghahati ng Maguindanao sa Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur sa Setyembre 17.
Ang Maguindanao plebiscite ay may 818,790 balota ayon pa sa poll body.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment