Inamin ng isang Chinese national na sangkot sa illegal na POGO hub sa Lapu-Lapu City sa Cebu na sinubukan niyang suhulan ng P1 milyon ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) para sa "separate arrangement" sa kanyang asawa at apong babae.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senado sa illegal POGO nitong Martes, tinanong ni Senador Risa Hontiveros si Zhao Shouqui hinggil sa tangka nitong suhulan ang ilang PAOCC officials na nahuli sa camera.
Sa pamamagitan ng isang Chinese translator, sinabi ni Zhao na hindi nito itinuturing na suhol ang isang milyong piso.
"This sum of money is not actually a bribe. Because what I wanted was, remember I came there after they were caught and then when I came there, my 70-year-old wife was there and her body was weak, also my granddaughter was also there. What I wanted to do, because my wife, her body is weak, I want to have a separate arrangement for my wife and my granddaughter," ayon kay Zhao sa translation.
Sinabi ni Zhao na galing sa kanyang anak ang naturang halaga.
Pero, hindi kumbinsido si Hontiveros sa paliwanag ni Zhao bagkus idiniin na isa itong suhol.
"Still, that's what we call a bribe, offering money to Philippine government personnel—who are perfectly capable na maging humanitarian sa isang senior citizen or isang minor – in exchange for special consideration," ayon kay Hontiveros.
Sinuportahan naman ni PAOCC spokesperson Winston Casio ang posisyon ni Hontiveros.
"There is no other way to interpret that because they attempted three times," aniya.
Tinanong din ni Hontiveros ang Chinese national na kung nagtangka o nanuhol din siya ng ibang opisyal na gobyerno sa alinmang administrasyon.
Ayon kay Zhao, nag-isponsor lamang siya ng ilang aktibidad at nagbigay ng donasyon na computer at pagkain.
Sinabi pa ni Zhao na hindi niya alam na may POGO hub sa compound sa Lapu-Lapu City bagkus inuupahan lamang niya ang tatlong kuwarto na may kabuuang 290 square meter sa halagang P1.5 milyon.
Naunang nilusob ng PAOCC ang isang compound sa Lapu-Lapu City na natagpuan ang mahigit 150 dayuhan, karamihan ay naunang nasakote sa POGO hub sa Porac, Pampanga.
BECCA DANTES – NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment