Isinapubliko na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr . ang 12 pambato ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas para sa senatorial line up sa 2025 midterm elections.
Sa ginanap na convention ng alyansa sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, sinabi ng Pangulo na naging batayan sa pagpili sa 12 kandidato ay ang kanilang sipag at galing, may prinsipyong makatao, maka-Diyos at makabansa at titindig sa interes ng bayan at karapatan at kapakanan ng bawat Pilipino.
Kabilang sa senatorial line-up ng alyansa ay ang mga sumusunod:
DILG Secretary Benhur Abalos; Makati City Mayor Abby Binay : Senator Pia Cayetano: Former Senator Ping Lacson : Sen. Lito Lapid : Sen. Imee Marcos : Former Sen Manny Pacquiao :Sen Bong Revilla : Former Senate President Tito Sotto: Sen. Francis Tolentino; Cong. Erwin Tulfo at Cong. Camille Villar.
Bawat inendorosong kandidato ng Pangulo ay may kanya-kanyang katangian gaya ni Senator Panfilo Lacson na aniya ay isang "officer and a gentleman", tapat at buong tapang na naglingkod ng limang dekada sa sambayanan.
Lahat aniya ng kanyang aksiyon at gagawin ay nakaangkla sa prinsiyo ng kanyang alma mater: ang Courage, Intergrity At Loyalty.
"Isa po siya sa nagsabuhay sa mensahe ng making SONA: Ang tama ay ipaglaban, ang Mali ay labanan,. What is right must be kept right, what is wrong must be set right. Mga kababayan, senator Ping Lacson!," anang Pangulo.
Binigyang-diin ng Presidente na lahat ng tatlong malalaking rehiyon sa Gitna ng Luzon, Maynila at Timog katagalugan ay mayroong boses sa koponan at sa geographical representation ay ikinakatawan sila ni Senator Pacquiao ng Bukidnon, Sarangani at General Santos City, habang si Congressman Tulfo naman ay lumaki sa Davao Oriental at Sulu.
Mayroon din aniyang representasyon ang Cebu sa pamamagitan ni dating Senate President Sotto, at para sa mga Waray ay si Senator Imee Marcos.
Mataas ang kumpiyansa ni Pangulong Marcos Jr. sa mga napiling pambato ng alyansa at inaasahang magiging katuwang ng administrasyon para sa pagsulong at pag-unlad ng bansa.
"Sa kanilang kalidad at karanasan, mataas ang making kumpiyansa na sila ang ating magiging katuwang sa ating pagsulong at patuloy na pag-unlad ng ating bansa. Atin po silang samahan at suportahan," dagdag ng Pangulo.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment