#SulongIsko2024 | “7/10” — GRADO NG 100 ISKOLAR NG BAYAN SA SENTRAL NA KONSEHO A.Y. ‘23-’24
(Disclaimer: Ang kasagutan ng 100 students/participants sa survey na ito ay hindi nangangahulugang kasagutan na rin ng buong komunidad ng kabataang estudyante sa PUP Sta. Mesa Campus. 0.25+ % lamang ng mahigit-kumulang 40,000 iskolar ng bayan sa Main Ca…
(Disclaimer: Ang kasagutan ng 100 students/participants sa survey na ito ay hindi nangangahulugang kasagutan na rin ng buong komunidad ng kabataang estudyante sa PUP Sta. Mesa Campus. 0.25+ % lamang ng mahigit-kumulang 40,000 iskolar ng bayan sa Main Campus ang nagsagot sa aming survey.)
PUP SENTRAL NA KONSEHO NG MAG-AARAL GENERAL ASSESSMENT (A.Y. 2023-2024)
Sa pagtatapos ng termino ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral (SKM) ng PUP sa taong panuruang 2023-2024, ngayon ay higit na kinakailangang makapagsuma ng mga ipinamalas ng bawat konseho at ehekutibo upang makatulong sa pagwawasto at pagpapaunlad ng mga susunod na lider-estudyante ng Sintang Paaralan.
Martes, Agosto 20, nang magpadala ang PUP The Catalyst ng Internal Assessment Forms upang masagutan ng bawat opisyales ng Sentral na Konseho. Naglalaman ito ng quantitative at qualitative assessment hinggil sa performance rating, visibility rating, at personal rating sa mga bumubuo ng Sentral na Konseho.
Ang performance rating ay grado kung saan kinikilala ang kanilang kakayahan sa paggampan sa mga gawain at pagpapamalas ng kanilang kagalingan sa konseho; visibility rating naman ay sukatan ng kanilang kakayahang magpakita sa kasagsagan ng kampanya't hinaing ng komunidad gayundin sa kapasidad na makilubog sa danas ng kanilang komunidad; at ang personal rating na batay sa kanilang karakter kabilang ang pagiging propesyunal at etika sa trabaho sa konseho.
Disclaimer: Ang survey form na ito ay hango sa SCrutiny 2024 ng Outcrop, ang opisyal na pahayagan ng UP Baguio, na kanila ring ginamit upang malawakang makapag-assess ng lokal na Student Council.
Ang PUP SKM ay binubuo ng Presidente, Vice President, Secretary-General, Treasurer, at 10 pa na Councilors na namumuno sa mga sumusunod na komite:
Academic Affairs and Development Studies
Community and People's Struggles
Council Development
Ethics and Parliamentary
Gender and Safe Spaces
Holistic Wellness and the Environment
Linkages and External Communications
Mass Media and the Arts
Organizations and Press Relations
Students' Rights and Services
STUDENTS' ASSESSMENT
Sa 100 na estudyante ng PUP Sta. Mesa na sumagot ng aming SKM Student Assessment, nakakuha ng general rating average na 7.71 ang Sentral na Konseho; na mula sa 7.88 na performance rating, 7.5 na visibility rating, at 7.74 naman na personal rating.
(Disclaimer: Ang kasagutan ng 100 students/participants sa survey na ito ay hindi nangangahulugang kasagutan na rin ng buong komunidad ng kabataang estudyante sa PUP Sta. Mesa Campus. Ito ay 0.25+% lamang ng mahigit-kumulang 40,000 iskolar ng bayan sa Main Campus.)
"Militanteng pamumuno" ang maituturing na kalakasang napapansin ng 100 na iskolar ng bayang tumugon sa aming assessment form. Anang mga sumagot, maagap na nakakasabay ang Konseho sa pangyayari sa lokal lalo sa pambansang usapin, gayundin ang maximum na paggamit ng mga social media platforms online upang maabot ang kalakhan ng nasasakupan nitong mag-aaral.
Ilan sa mga halimbawa ng kampanya kung saan nakilala ng mag-aaral ang Sentral na Konseho ay ang panawagang pagpapataas ng budget sa Politeknikong Unibersidad at pagtutol nito sa budget cut at deficit na banta sa pamantasan; maging ang pagiging inklusibo nito sa iba pang sektor ng pamantasan partikular sa LGBTQIA+ community.
Subalit batay pa rin sa mga kwalitatibong kasagutan, bagamat nararamdaman ng mga mag-aaral ang presensya ng Sentral na Konseho sa pambansang isyu at sa paglaban sa demokratikong karapatan ng mga iskolar, may kinakailangan pang paghusayan ang Konseho sa pakikipag-ugnayan nila sa komunidad upang mas makuha ang buong partisipasyon ng mga mag-aaral sa Sta. Mesa Campus.
Dagdag pa rito ay pili lamang ang nakikita ng mga mag-aaral na dumadalo at tumutugon mula sa mga tao sa Konseho. Mula sa assessment ng 100 na mag-aaral, ang kababaan ng visibility rating ng SKM ay dulot ng kakaunti lamang ang kilala nila sa Konseho at nakikitang dumadalo sa mga aktibidad.
Sa usapin ng pondo, mababanggit ang naging kahinaan sa pag-iimplementa ng ilang proyekto dahil sa burukratikong proseso ng paglalabas ng pondo ng institusyon. Ayon pa sa isang estudyante, maaaring isa ito sa dahilan kung kaya't may mapapansing kahinaan ang Konseho sa pagkamit ng buong partisipasyon ng mag-aaral sa Campus, dahil hindi kayang masabayan ng burukratikong proseso sa pondo ang adbokasiyang sinusulong ng Konseho.
"The SKM faces challenges in student engagement due to low participation in some events and limited financial resources, which hinder their ability to effectively promote and organize activities. Despite these constraints, the SKM demonstrates strong advocacy for student rights, quickly addressing concerns and resolving issues and successfully organizing impactful events. To enhance their effectiveness, the SKM should continue to launch initiatives focused on political awareness and increase both online and in-person engagement to amplify their advocacy and achieve greater student participation," pahayag ng isang mag-aaral sa kaniyang assessment form.
INTERNAL COUNCIL OFFICIALS' ASSESSMENT
Batay sa internal assessment sa pagitan ng 14 na opisyales ng SKM, binigyan nito ng 8.64 na kabuuang rating ang naging paggana ng konseho sa nagdaang isang taon.
"The activities of the PUP SKM for AY '23-'24 were collectively struggled by the whole Executive Board. Although some lack consistency, we still try our very best to respond to and fulfill our sworn responsibility to the students to be their tunay, palaban, at makabayang mga lider-estudyante," paglalarawan ng ïsang SKM Executive Committee.
Sa performance rating, lumalabas na may pinakamataas na grado si Gender and Safe Spaces Committee Councilor Vince Bingayan na may 9.36 rating, na sinundan ni SKM President Miss Kim Modelo na may 9 rating, at ikatlo si Mass Media and the Arts Committee Councilor Adrian Abelligos na may 8.57 rating.
PERFORMANCE RATING
NAME
RANKING
9.36
Vince Bingayan
1
9
Miss Kim Modelo
2
8.57
Adrian Abelligos
3
8.43
Hyacinth Joven
4
8.43
Rei Domanais
4
8.07
Reggie Reyes
5
7.93
CJ Diaz
6
7.76
Noemie Paula Pardo
7
7.21
Johnson Danila
8
7.21
Terrence Tamayosa
8
6.86
Abbygail Alforque
9
6.86
Kim Bombales
9
6.79
Jamella Lacap
11
6.5
Marygold Lazaro
12
Habang sa visibility rating, muling nangunguna sa rating si Gender and Safe Spaces Committee Councilor Vince Bingayan na mayroong 9.42, na susundan muli ni SKM President Miss Kim Modelo at ni Academic Affairs and Development Studies Committee Councilor Rei Domanais sa rating na 9.07, at ni Organizations and Press Relations Committee Councilor CJ Diaz na may 8.76 rating.
VISIBILITY RATING
NAME
RANKING
9.43
Vince Bingayan
1
9.07
Miss Kim Modelo
2
9.07
Rei Domanais
2
8.77
CJ Diaz
3
8.36
Hyacinth Joven
4
7.71
Adrian Abelligos
5
7.57
Reggie Reyes
6
7.5
Terrence Tamayosa
7
6.64
Noemie Paula Pardo
8
6.5
Abbygail Alforque
9
6.29
Jamella Lacap
10
6.14
Kim Bombales
11
5.86
Johnson Danila
12
5.43
Marygold Lazaro
13
Sa personal rating naman, nangunguna pa rin si Gender and Safe Spaces Committee Councilor Vince Bingayan na may 9.14 rating, na susundan ulit ni SKM President Kim Modelo sa 8.93 rating, at ikatlo naman si Community and People's Struggles Committee Councilor Hyacinth Joven sa 8.71 rating.
PERSONAL RATING
NAME
RANKING
9.14
Vince Bingayan
1
8.93
Miss Kim Modelo
2
8.71
Hyacinth Joven
3
8.5
Reggie Reyes
4
8.36
Adrian Abelligos
5
8
Noemie Paula Pardo
6
7.93
Rei Domanais
7
7.71
Terrence Tamayosa
8
7.64
CJ Diaz
9
7.14
Jamella Lacap
10
7.07
Johnson Danila
11
7.07
Abbygail Alforque
11
6.86
Kim Bombales
12
6.79
Marygold Lazaro
13
Samantala, sa kabuuang rating, si Gender and Safe Spaces Committee Councilor Vince Bingayan na may 9.31 ang may pinakamataas na grado mula sa kabuuang rating ng mga opisyales sa isa't-isa. Sinusundan ito ni SKM President Kim Modelo na may 9 rating, at ni Community and People's Struggles Committee Councilor Hyacinth Joven na may 8.5.
"Sa tuwing binabanggit ang mga katagang 'lider-estudyante', isa si Vince Bingayan sa mga naaalala ko. Saksi ako sa bawat sakripisyong handang ilaan ni Vince hindi lamang para sa kaniyang kinabukasan kung hindi para rin sa masang aming pinaglilingkuran. Bilang siyentista ng bayan, maraming pagkakataon na namataan namin siyang nagre-review o naghahanda para sa kaniyang akademya. Ngunit sa kabila nito, hindi niya pinabayaan ang kaniyang responsibilidad sa pagkilos sa loob ng konseho," paglalarawan ng isang konseho sa performance ni Hon. Bingayan sa konseho.
(Si Hon. Bingayan ay 2nd year Chemistry Student sa kasagsagan ng kaniyang termino.)
Dagdag pa ng ilang councilors, kanilang kinikilala ang mabilis na pagtugon ni Hon. Bingayan sa mga concerns kahit pa hindi rito nakaatas ang partikular ng gawain sa konseho.
Pinakahuli naman sa kabuuang rating ng SKM Internal Assessment ay sina Council Development Committee Councilor Kim Bombales na may 6.62, at si Linkages and External Communications Committee Councilor Marygold Lazaro sa 6.24 rating.
Ayon sa kwalitatibong assessment ng konseho, bagamat malaking tulong ang ginampanan nina Hon. Bombales at Hon. Lazaro, ay nakaapekto sa grado nito ang visibility rating dahil hindi ito madalas makita sa on-grounds na gawain. Sa karagdagan, ayon din sa mga opisyales ay full-time working student si Hon. Lazaro kung kaya't ganoon na lamang kalaki ang naging epekto nito sa kaniyang kabuuang paggana bilang bahagi ng konseho.
GENERAL AVERAGE RATING
NAME
RANKING
9.31
Vince Bingayan
1
9
Miss Kim Modelo
2
8.5
Hyacinth Joven
3
8.48
Rei Domanais
4
8.21
Adrian Abelligos
5
8.12
CJ Diaz
6
8.05
Reggie Reyes
7
7.71
Noemie Paula Pardo
8
7.48
Terrence Tamayosa
8
6.81
Abbygail Alforque
9
6.74
Jamella Lacap
10
6.71
Danila Johnson
11
6.62
Kim Bombales
12
6.24
Marygold Lazaro
13
Sa pagsusuma, binibigyang grado ng mga opisyales ng SKM ang kanilang buong termino ng 8.64 rating, tanda na marami pang dapat paunlarin mula sa mga aktibidad at proyekto ng konseho hanggang sa pakikipag-ugnayan nito sa komunidad ng PUP.
"I think our term did great in terms of communication to students, upholding our local and national campaigns, consultations, and other activities. However, I did not give it a perfect score because we could have done better if everyone was actively participating," ganito inilarawan ng isang Councilor ang kaniyang ibinigay na grado sa konseho.
ANO ANG INAASAHAN NG MGA ISKO SA PUP SENTRAL NA KONSEHO A.Y. 2024-2025?
Gayunpaman, bukod sa patuloy na pagpapanawagan at pagrerehistro ng student concerns sa lokal na administrasyon ng pamantasan hanggang sa pambansang administrasyon, inaasahan din ng mga mag-aaral ay ang pagpapaunlad pa ng susunod na Konseho ng A.Y. 2024-2025 sa ilang akademikong aktibidad, environmental campaigns, health campaigns, at pagtutok sa kalagayan ng komunidad ng PUP hindi lamang ng mga estudyante kundi mula sa manggagawa, manininda, kaguruan at kawani, hanggang sa mga hayop sa loob ng Sintang Paaralan.
Isa rin sa mahalagang dapat paunlarin ng susunod na Sentral na Konseho, ayon sa isang estudyante, ay ang plano para masigurong maaabot ng Konseho ang mas malawak na komunidad ng PUP, pagmamaksima ng mga komite nito at dami ng Junior Council Officers, gayundin ang pagmamaksima pa ng ibang paraan upang matiyak na mas hihigit ang pagiging inklusibo nito sa mga proyekto at aktibidad na magsusulong ng kampanyang maka-estudyante at maka-mamamayan.
Ayon sa National Expenditure Program (NEP), ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) system ay mayroon lamang P3.4-B pondong laan mula sa Marcos Jr. administration para sa taong 2025, halos P8.5-B kapos mula sa P11.9-B proposed budget ng PUP. Ito na rin ang paghahatian ng ilang PUP Campuses mula sa pagpopondo sa imprastraktura, sahod ng mga guro't kawani, utilities at maintenance fees.
Kaya sa huli, nagkakaisa ang mga mag-aaral sa kanilang inaasahan sa susunod na Sentral na Konseho ng Mag-aaral, na harapin at tugunan ang suliranin hinggil sa pulitikal na partisipasyon ng kabataang estudyante sa harap ng patong-patong na krisis na dala ng administrasyong Marcos-Duterte.
No comments:
Post a Comment