Inanunsyo ni presumptive president "Bongbong" Marcos Jr. ang ilan sa kanyang plano para sa bansa, kabilang ang mga napag-usapan nila ng mga diplomat mula sa Japan, South Korea, India at US nitong Lunes, Mayo 23.
Tinalakay nila ni Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko ang paglikha ng mga trabaho para sa mga Pilipino, habang nuclear power at digital communications naman ang tinalakay nila ni South Korean Ambassador Kim Inchul.
Sa sektor ng agrikultura, microfinancing, at pag-manufacture ng generic drugs sumentro ang kanilang pag-uusap ni Indian Ambassador Shambhu Kumaran.
Nag-alok naman, aniya, ng assistance ang Estados Unidos para maibsan ang epekto ng climate change sa bansa.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment