Inihayag ng tagapagsalita ni leading presidential candidate Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. nitong Huwebes na sinisilip nito ang masasamang epekto ng e-sabong at ang pangangailangan na balansehin ang kumita at pagpapahalaga sa pamilya.
Tinanong si Attorney Vic Rodriguez kung ano ang opinyon ng dating senador sa kontrobersyal na online cockfighting, na sinisisi sa pagkawala ng ilang mga sabungero kamakailan.
Sinabi ni Rodriguez na dahil si Marcos ay "old school," mas nakatuon umano ito sa masasamang epekto ng e-sabong sa mga pamilya, kaysa sa kikitain ng pamahalaan mula dito.
"He has his thoughts on the e-sabong and he's also mindful of the social cost so yeah pag-uusapan 'yan, how to balance 'yung the need of the government for revenue, especially now he will be faced with P13 trillion debt but at the same time old school talaga itong si president-elect Bongbong, he values family," ani Rodriguez.
"He's also looking at the downside of it which is 'yung social cost, may mga report na may mga bata na nagsusugal na rin… so 'yan binabantayan niya 'yan. Para sa kanya at the end of the day, 'yung revenue puwede i-let go kung magsasakripisyo naman 'yung basic unit which is the family," aniya pa.
Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Department of the Interior and Local Government's (DILG) na ipatigil anh e-sabong o online cockfighting operations.
IKE ENRIQUE – HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment