Tiniyak ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa mga miyembro nito na ang kanilang kontribusyon ay mapupunta sa pagtulong sa mga Pilipino para mapagaan ang pasanin sa pagpapaospital at sa pagpapalawak ng iba pang mga benepisyo.
Sa gitna ito ng napipintong 3% hanggang 4% na pagtaas ng monthly premium rate sa Hunyo.
"PhilHealth assures all members that the legislated contribution schedule will continue to provide all Filipinos with adequate financial protection against hospitalization costs," saad ng state health insurer ngayong Sabado.
Samantala, "retroactively effective" din ang taas kontribusyon mula Enero.
Ibig sabihin, ang mga nakabayad na ng kontribusyong nasa 3% mula Enero hanggang Mayo ay kailangang magbayad pa ng karagdagang 1% hanggang December 2022, pero walang interes.
Paliwanag ng PhilHealth, ang premium rate hike ay alinsunod sa Universal Health Care (UHC) Law, kung saan minamandato ang pagtaas ng kontribusyon nang paunti-unti mula 0.5% kada taon na sisimulan sa 3% noong 2020 hanggang maabot ang 5%.
"This is meant to finance and pay for health services and medications needed to treat patients," dagdag nito.
Noong Enero 2021 pa dapat itataas sa 3.5% ang kontribusyon pero ipinagpaliban ito dahil sa COVID-19 pandemic.
Samantala, tiniyak din ng PhilHealth na magagamit ang contribution adjustment para maipagpatuloy ang COVID-19 benefit packages kabilang ang:
SARS-CoV-2 testing from P500 to P2,800
Hospitalization package from P43,997 to P786,384
Community isolation package for P22,449
Home isolation package for P5,917
Bukod dito, makakatulong din ang premium rate hike para suportahan ang pagtaas o pagpapalawig ng mga sumusunod:
Primary Care Package (consultation, preventive and curative care, select laboratory and diagnostic procedures, and medicines as determined by the beneficiaries' assigned primary care physician)
Hemodialysis extension to 144 session
Mental health packages for outpatient services
Full financial risk protection for health workers
Samanatala, ang 4% premium rate ay nangangahulungan na ang mga kumikita ng P10,000 pababa ay kailangang magbayad ng P400 buwanang kontribusyon sa PhilHealth.
Kung mas mataas sa P10,000 pero hindi naman lalampas sa P80,000, kailangang magbayad ng P400 at P3,200 at kung mas mataas pa sa P80,000, magbabayad sila ng flat rate na P3,200.
BECCA DANTES – HN HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment