Umani ng iba't-ibang reaksyon ang naging pahayag ni Pastor Apolli Quiboloy, ang pinuno ng The Kingdom of Jesus Christ hinggil sa pagpabor nito na ipasara ang Unibersidad ng Pilipinas (UP).
Ito ay kasunod ng banta ng mga mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas na magsasagawa sila ng kilusan o ng academic walkout bilang pagpapahayag ng kanilang pagkadismaya sa nagig resulta nang nagdaang halalan noong Mayo 9.
Sa kanyang naging pahayag sa SMNI news, ay iminungkahi ni Quiboloy ang dalawang solusyon na nakikita niya rito.
Ito ay ang tuluyan nang pagpapasara sa nasabing unibersidad at gayundin at ang ag-aalis sa subsidiyang ibinibigay ng pamahalaan dito kung saan ay gagawin na lamang itong secular university kung saan sila na mismo ang magbabayad ng kanilang tuition.
Ayon sa pastor, kung magsasagawa man ng anumang kabalastugan ang mga mag-aaral at kawani ng nasabing paaralan laban sa konstitusyon ng Pilipinas ay dapat lamang aniya na mapanagot ang mga ito sa batas sa kadahilanang tinutustusan daw sila ng pamahalaan.
Ito aniya ang kaniyang nakikitang solusyon dahil tila kumikilos bilang isang independent nation kahit na subsidized naman daw ito ng gobyerno.
Samantala, hanggang ngayong araw ay nagpapatuloy pa rin ang kilusang academic walkout ng nasabing mga mag-aaral sa harap mismo ng PICC sa Pasay City kung saan isinasagawa ng Comelec ang kanilang National canvassing ng mga boto sa nakalipas na araw ng eleksyon.
MICHAEL DINGLASAN – HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment