Pinaghahanap ng Cavite Police ang anim sa hinihinalang kidnap-for-ransom gang matapos tangayin ang isang ginang sa Silang, Cavite.
Kinilala ang biktima na si Gladys Bundalian Rodriguez, 44, laking Tondo, Manila at taga-Brgy Adlas, Silang, Cavite
Tukoy naman ang isa sa suspek na si Jomar Villanueva alias Salem Guardian ng Amparo Chapter ng North Caloocan. Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa lima nitong kasabwat.
Sa naantalang report ni Corporal Ramil Legaspi, ng Silang Police Station, alas-11:45 ng gabi noong June 09 naganap ang insidente sa Metrogate Silang Estate, Brgy Adlas.
Sa salaysay ng saksi na si Peejay Galanta, habang inaabot ang basura sa basurero ay dumating ang puting Hyundai Starex van. Bumaba ang apat na armado ng baril, tinutukan at dinukot ang biktima.
Nakilala si Villanueva mula sa litrato dahil nagtanggal ito ng facemask bukod pa sa tatoo sa kanang kamay.
Bago ang pagdukot, sinabi ni Glaizel Bundalian Rodriguez, anak ng biktima, na noong December 29, 2021, siya at live-in partner nito na si Adrian Pinto Manalo ay nakatakdang katagpuin ang kanilang financier pero pagsapit sa Banawe, Quezon City, isang pulis na nakatalaga sa Valenzuela at Jomar Villanueva ang kanilang nadatnan.
Matapos tutukan ng baril, ay magkahiwalay silang tinangay at pinagbabayad ng utang.
Dahil di sila makabayad, sinabihan siya ng pulis na maghanap ng financier habang nasa kustodiya ni Jomar ang live-in partner.
Matapos nakakolekta ang mga suspek ng P200M, sinabihan silang dadalhin sa Mindanao subalit nakatakas sila noong January 20, 2022 at nagtago sa ParaƱaque.
Nakapagtayo sila ng negosyo subalit noong February 07, 2022, natagpuan sila ng police officer at pinagbabayad ng P35M. Dahil laging pinagbabantaan ay lumipat sila sa Silang, Cavite at noong June 09 ay tinangay nila ang kanyang ina sa pangunguna ni Jomar.
Lumalabas na si Gladys ay may warrant of arrest sa kasong Qualified Theft na inisyu ni Hon. Judge Zaldy Docema ng RTC Br. 170 Malabon City.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment