Pinili ni President-elect Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.' si veteran banking executive Jose Arnulfo "Wick" Veloso para pamunuan ang Government Service Insurance System (GSIS) sa ilalim ng incoming administration.
Si Veloso ang kauna-unahang Filipino CEO para sa HSBC Philippines, kung saan siya nagtrabaho ng 23 taon simula 1994.
Taong 2018, pinalitan niya si Reynaldo Maclang bilang pangulo ng Philippine National Bank (PNB).
Sa tatlong dekadang karanasan sa "banking and capital markets sectors," si Veloso ay naging pangulo ng Bankers Association of the Philippines (BAP).
Si Rolando Macasaet ang kasalukuyang pangulo at general manager ng GSIS, social insurance institution para sa mga empleyado ng gobyerno.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment