Sinabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na paunang sasakupin ng Elon Musk's Space Exploration Technologies Corp. (SpaceX) ang northern area ng Pilipinas bago i-roll out sa nalalabing bahagi ng bansa.
Ayon kay DICT Secretary Ivan John Enrile Uy, mayroong lamang delay sa paglulunsad ng SpaceX's Low Earth Orbit (LEO) satellites network constellation Starlink sa Pilipinas.
"So far mukhang coverage po nito is only in the northern part of the Philippines at hindi po umaabot sa middle at southern part of the Philippines where we badly need the satellite connectivity," ayon kay Uy sa Laging Handa virtual briefing.
"Maaaring medyo matagalan ng konti 'yung pag-avail nitong service until makapag-launch sila ng additional satellites that will cover central Philippines, as well as southern Philippines," dagdag na pahayag nito
Nito lamang buwan ng Marso, sinabi ng Department of Trade and Industry (DTI) na "preparations are already underway" para sa pagpasok ng SpaceX sa Pilipinas,layon nito na magdala ng high-speed satellite broadband connectivity sa malalayong lugar.
Sinabi naman ng Converge ICT Solutions Inc., noong nakaraang taon ay kinokonsidera nito ang partnership sa SpaceX para sa high-speed internet services.
"Starlink Internet Services Philippines Inc. — the wholly-owned Filipino subsidiary established by SpaceX — earlier this year secured the approval of the National Telecommunications Commission (NTC) as a value-added service (VAS) provider," ayon sa ulat.
"Ang effect po nito is more on the scope of the coverage. Alam po natin na maraming areas sa Pilipinas ay hindi nako-cover ng mga telcos dahil sa tinatawag nating missionary routes," ayon kay Uy.
Ang paliwanag pa ni Uy, ang missionary routes ay mga lugar kung saan ang telecommunications firms ay hindi kadalasang nagtatayo ng pasilidad dahil sa mababang facilities user base, dahilan upang maging "unprofitable" Ito.
Para naman kay Converge Chief Executive Officer Dennis Anthony Uy, sinabi nito na noong nakaraang taon ay may kasunduan na sa SpaceX na maaaring mangyari ngayong 2022.
BECCA DANTES – HN HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment