Inasahan na ng Department of Education na talagang magkakaroon ng hawaan sa COVID-19 sa pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.
"With the gathering of learners and teachers in classrooms, just like in offices and other establishments, COVID transmission is expected. What is important is we do not experience a surge where critical care utilization is exhausted," sinabi ni DepEd spokesperson Atty. Michael Poa .
"Hence, the [DepEd] is monitoring the situation and the schools in terms of the implementation and observation of minimum public health standards." dagdag pa niya.
Sa buong bansa, nakapagtala ng serye ng mga hawaan sa iba't ibang paaralan katulad ng nangyari sa isang paaralan sa Laoag City, Ilocos Norte makaraang nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang estudyanet at tatlong guro na nagresulta pa ng suspensyon ng klase sa paaralang iyon sa loob ng isang linggo.
Hindi pa naman naglalabas ng kumpletong datos ang DepEd ng mga namonitor nilang kaso ng COVID-19 sa iba pang mga paaralan sa bansa.
Nagpaalala naman ang ahensya na patuloy pa ring sundin ang mga health and safety protocol upang makaiwas sa sakit at hinikayat rin nito ang lahat ng estudyante, guro at mga non-teaching staff na magpabakuna na kontra COVID-19.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment