Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) chairperson George Garcia nitong Linggo na ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa 2022 barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) ay nakatakda mula Oktubre 6 hanggang 13, sa kabila ng panawagan para sa pagpapaliban ng botohan.
Gayunpaman, walang paghahain ng COC sa Oktubre 9, batay sa kalendaryo ng mga aktibidad ng Comelec para sa halalan ng BSKE sa Disyembre 5, 2022.
Ang election period ay mula Oktubre 6 hanggang December 12, na mamarkahan din ang tagal ng Comelec gun ban.
"'Yung gun ban, papasok na rin po sa October 6 na 'yan. Sa kaalaman ng lahat, 'yung mga nakakuha ng gun ban exemption nung 2022, aming nilalatag na 'yung exemption na 'yun ay carried over na hanggang dito para sa BSKE elections,"sabi ni Garcia dzBB .
Samantala ang panahon ng kampanya ay mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 3.
Sakaling matuloy ang halalan sa BSKE sa Disyembre 5, magsisimula botohan mula alas 7 ng Umaga hanggang alas 3 ng hapon .
Ang huling araw para maghain ng Statements of Contributions and Expenditures (SOCE) ay sa Enero 4, 2023.
Noong nakaraang buwan, bumoto ang House Suffrage and Electoral Reforms committee na ipagpaliban ang BSKE sa Disyembre 4, 2023.
Nauna nang sinabi ni Garcia sa House Suffrage and Electoral Reforms panel na ang naturang pagpapaliban ay nangangahulugan ng karagdagang gastos para sa gobyerno dahil ang paglipat ng barangay at youth council polls sa ibang araw ay nag-uutos sa poll body na muling buksan ang pagpaparehistro para sa mga bagong botante.
Habang hinihintay ang pinal na desisyon sa usapin, patuloy pa rin ang paghahanda at pagbili ng mga election paraphernalia, ayon kay Garcia.
Samantala, muling iginiit ni Garcia na sinusuportahan niya ang mga panukala para sa pagsasagawa ng hybrid elections—part manual, part automated—sa bansa.
Aniya, hinihintay nilang maipasa ng Kongreso ang naturang panukala.
Ayon pa kay Garcia, ang Comelec ay bukas sa ganitong klaseng sistema lalong-lalo na ito ay maaaring mas makapag-bigay ng transparency sa pagboto ng ating kababayan at para magkaron ng mas mataas na integridad ang pagboto sa ating eleksyon.
BECCA DANTES – HN HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment