Nasa 70 wanted persons ang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa ikinasa nilang 'One-Time Big-Time Operations' (OTBT) at pagsisilbi ng mga warrants of arrests sa lungsod hinggil sa iba't ibang kaso, nabatid kahapon.
Ayon kay QCPD BGen. Nicolas Torre III, ang naturang OTBT na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga naturang wanted persons ay ikinasa ng iba't ibang istasyon ng QCPD simula alas-12:00 ng hatinggabi ng Agosto 30, 2022 hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Agosto 31, 2022.
Nabatid na ang Batasan Police Station (PS 6) na nasa ilalim ng pamumuno ni PLTCOL Morgan Aguilar ang pinakamaraming naarestong wanted persons na umabot sa 11.
Sumunod naman dito ang Novaliches Police Station (PS 4) na nakaaresto ng 10 wanted persons; La Loma Police Station (PS 1) at Project 4 Police Station (PS 8) na kapwa nakaaresto ng tig-7 wanted persons; Talipapa Police Station (PS 3) na nakaaresto ng 6 wanted persons; Fairview Police Station (PS 5) at Pasong Putik Police Station (PS 16) na kapwa may naarestong tig-5 wanted persons; Masambong Police Station (PS 2), Kamuning Police Station (PS 10) at Payatas Bagong Silangan Police Station (PS 13) na nakaaresto ng tig-4 wanted persons; at Project 6 Police Station (PS 15) na nakaaresto naman ng tatlong wanted persons.
Ang Cubao Police Station (PS 7), Galas Police Station (PS 11), Eastwood Police Station (PS 12) at Holy Spirit Police Station (PS 14) ay nakaaresto naman ng tig-isang wanted person.
Ayon sa QCPD, kaagad nilang iimpormahan ang mga hukumang pinagmulan ng mga warrant of arrests hinggil sa pagkakaaresto ng mga akusado.
Samantala, pinapurihan naman ni PBGEN Torre ang kanyang mga tauhan dahil sa matagumpay na OTBT na kanilang isinagawa.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment