[New post] Kapana-panabik Ang Aabangan sa Huling Tatlong Linggo ng Pinag-uusapang “Wag Mong Agawin Ang Akin,” Series sa Vivamax
starsphotog posted: " Sa huling tatlong Linggo ng pinakaagaw-pansin na adult drama, ang 'Wag Mong Agawin ang Akin, hindi lang mga puso ang mawawasak, pati mga relasyon ay unti-unti na ring masisira. Ngayong alam na ni Jasmine (Angeli Khang) na ang secret girlfriend ni" Stars Photog
Sa huling tatlong Linggo ng pinakaagaw-pansin na adult drama, ang 'Wag Mong Agawin ang Akin, hindi lang mga puso ang mawawasak, pati mga relasyon ay unti-unti na ring masisira. Ngayong alam na ni Jasmine (Angeli Khang) na ang secret girlfriend ni Tom (Felix Roco) ay ang kanilang boss at kanyang idol na si Christine (Jamilla Obispo), susubukan nang makipaghiwalay ni Jasmine kay Tom bago pa man malaman ni Christine. Pero gumagalaw na ang galamay ng kasamaan, sa katauhan ni Ryan (Arron Villaflor). Makikita ni Christine ang private photos ng dalawa na magiging dahilan ng kanyang galit. Parang binabasag ang puso ni Christine sa pagconfront sa lalaking pinakamamahal niya na si Tom at kay Jasmine na tinuturing niyang anak. Sasamantalahin ni Ryan ang kahinaan ng loob ni Christine na mapapayag itong makipag-sex sa kanya kapalit ng impormasyon sa nawawalang anak ni Christine na siya namang maabutan ng nagpupuyos sa galit na si Tom.
Sa lahat ng pinagdaraanan ni Tom, si Jasmine ang magiging sandigan niya. Kung inaakala ni Jasmine na siya na ang nanalo sa agawan, nagkakamali siya dahil alam niyang si Christine pa rin ang laman ng puso ni Tom. Ngunit paano kaya tatanggapin ng dalawang babaeng magkaagaw ang rebelasyon na silang dalawa ay mag-ina? Sino ang magbibigay at sino ang magpaparaya? Pakatutukan yan sa mas pinainit pang episodes ng 'Wag Mong Agawin ang Akin, exclusive lang sa Vivamax – bagong episode kada Linggo.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery. Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya. Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard. Para makapagbayad mula sa Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya. Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central. Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc. Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax. Makakapanood na sa halagang AED35/month. Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan. Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada. Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo. Vivamax, atin 'to!
No comments:
Post a Comment