Nadiskubre ng mga mananaliksik ang isang antibody na kayang labanan ang lahat ng strain o variant ng COVID-19 nang isahan.
Ang bagong antibody ay tinatawag na SP1-77.
Ipinaliwanag ng mga eksperto na nagagawang pumasok ng COVID-19 virus sa katawan ng tao at makaimpeksyon sa pagdikit nito sa bahagi ng isang cell na tinatawag na ACE2 receptor.
Iyon ang unang hakbang para maimpeksyon ang isang indibidwal.
Sa mga unang antibody na ginawa para labanan ang COVID, layon nitong hadlangan na dumikit ang virus sa ACE2 receptor.
Ngunit ang SP1-77, ay naiiba sa iba pang mga antibodies dahil ang pinipigilan nito ay ang susunod na hakbang sa impeksiyon – isang punto kung saan ang virus ay magpu-fuse na sa cell membrane.
"SP1-77 binds the spike protein at a site that so far has not been mutated in any variant," ani Dr. Kirchhausen, isa sa mga awtor ng pag-aaral, "These properties may contribute to its broad and potent activity."
Sa proseso, ginamin ng mga siyantipiko ang isang "humanized" na modelo ng mouse upang maghanap ng mga bagong antibodies.
Ang mga daga ay "na-humanized" sa pamamagitan ng pagturok sa kanila ng genes ng tao, na nagiging sanhi ng kanilang mga immune system maging ang paggawa ng antibodies na gumana tulad ng sa mga tao.
Ang mga immune system ng mouse ay gumawa ng mga antibodies bilang tugon sa virus, at sinukat ng mga siyentipiko ang mga immune response na iyon upang makita kung gaano sila kaepektibong nagpoprotekta laban, o lumaban, sa iba't ibang variant ng COVID.
Nagulat sila nang matuklasan na ang isa sa mga antibodies na ginawa sa mga modelo ng daga ay nagawang i-neutralize (iyon ay, ihinto) ang lahat ng kilalang COVID strains — alpha, beta, gamma, delta at lahat ng subvariant ng omicron, kabilang ang BA.5.
Inilathala ng mga siyentipiko ang kanilang mga natuklasan sa journal Science Immunology.
Sinabi ng pangkat ng mga siyentipiko na humingi sila ng mga patent para sa modelo ng mouse at SP1-77 upang makabuo ng isang bakuna.
FIA DINGLASAN - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment