Nasabat kahapon ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Bureau of Plant Industry (BPI) at NAIA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA IADITG) ang mahigit sa 8 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P58.3 milyon sa isinagawang operasyon sa San Andres sa Maynila.
Nabatid na ang shabu ay itinago sa mga pakete ng ibat-ibang dried spices.
Nabatid na ang naturang shipment ay nagmula sa Nigeria at idineklara bilang "food stuff".
Gayunpaman, sa pagsusuri sa saklaw ng mga dokumento sa pag-import at pag-verify, napag-alamang ito ay ilegal na naipasok sa bansa nang walang kaukulang mga permit sa pag-import mula sa DA-BPI.
Sa 100% physical examination, natuklasan ng mga operatiba ng joint inter-agency units na ang pakete ay naglalaman din ng 8.575 kilo ng pinaniniwalaang shabu na inilagay sa loob ng puting plastic bowl na nakatago sa mga pakete ng iba't ibang pinatuyong spices.
Sa isinagawang eksamininasyon nakumpirma na ang mga ito ay shabu.
Nasa kustodiya na ngayon ng PDEA ang mga ilegal na droga para sa karagdagang imbestigasyon at para sa isasagawang profiling at case build-up laban sa mga personalidad na sangkot para sa posibleng prosecution sa paglabag sa Dangerous Drugs Act of 2002 in relation to Section 1401 of the Customs Modernization and Tariff Act of 2016.
Ang naturang masusing pagmamanman ay naaayon sa mga direktiba ni Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz, bilang bahagi ng marching order ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pigilan ang pagpupuslit ng droga at tiyakin ang pagpapatupad ng epektibong mga hakbang sa proteksyon sa hangganan.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment