Sinabi ng Philippine National Police na sa 1,000 kaso ng iligal na droga na isinampa nila ay nasa 10 pa lamang ang naresolba sa korte, kung saan, isa sa mga ito ay humantong sa paghatol sa mga akusado.
"The PNP has 0.88 percent conviction rate based on the number of cases filed by the PNP. That's less than 1 percent," ani M/Gen. Benjamin Santos, Jr. sa House Committee on Dangerous Drugs briefing.
"Nag-file kami ng 1,000, ang na-decide is sampu pa lang, because of justice system, medyo mahaba," dagdag pa niya.
Isinisisi naman ng PNP ang mababang conviction rate sa kabiguan na sundin ang chain of custody of evidence sa mga kaso ng droga.
Bilang solusyon dito ay nagkasa ang PNP ng pagsasanay sa 16,000 nilang imbestigador para pagbutihin ang paghawak ng ebidensya.
"Napakababa ng conviction rate. A major contributor of that is a technicality on the chain of custody. If by legislation, maybe we can help the police force or other anti-drug agencies to at least increase their budget for training, para mas gumaling ang pag-handle nila ng evidence, pagharap nila sa cases nila," pagsita naman ni Leyte 4th District Rep. Richard Gomez.
Upang maiwasan ang pagnanakaw ng mga iligal na droga na nasamsam ng mga awtoridad, iminungkahi ni Gomez na ibabad ang mga ito ng cyanide.
"Pwedeng nakukupit, nagbabawas ng konti bago dalhin sa facility… My absurd idea is what if we can file a bill na itong mga evidence na ito, whether marijuana, methamphetamine, ecstasy pills or any form of drugs, why don't we lace them may cyanide?, ani Goma.
"Sigurado, 'pag may gumamit d'yan, magnakaw d'yan, mamamatay… Sige, gamitin niyo. Nakakabaliw, pero baka makatulong na hindi galawin 'yung ebidensya natin. Kasi yung evidence minsan, madali ma-tamper, depende kung sino ang nagbabantay," panukala niya pa sa Komite.
Sinabi ni Committee Chairman Rep. Robert Ace Barbers na sinusuportahan niya ang paglalaan ng pondo para sa pagbili ng karagdagang body camera na isusuot ng mga operatiba sa panahon ng operasyon ng ilegal na droga, sa pagsisikap na palakasin ang transparency.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment