[New post] Grade 11 at Grade 12 Parent’s Meeting, Sinimulan na Ang Pagtalakay ng Pagbabalik ng Face-to-face Classes
addushstulay posted: " Isinulat ni: Sophia Bianca P. OrnopiaDibuho ni: Hensey YapLarawan ni: Althea Befitel [AdDU SHS FB Page] Pinangunahan ni Senior High Director Mr. Ricardo P. Enriquez ang pagtalakay ng online classes at ang pagbabalik ng on-site classes sa idinaraos na " Ang Tulay
Pinangunahan ni Senior High Director Mr. Ricardo P. Enriquez ang pagtalakay ng online classes at ang pagbabalik ng on-site classes sa idinaraos na Grade 11 at Grade 12 parent's meeting noong ika-06 at ika-27 ng Agosto. Ito'y dinaluhan ng mga magulang, kapwa mga guro, at mga tagapangasiwa ng bawat baitang sa pamamagitan ng on-site campus meeting at Zoom online meeting. Layunin ng mga pagpupulong na ito na makipagkomunikasyon at mabigyang kaalaman ang mga magulang sa kasalukuyang online class set-up, lalo na sa pag-usbong ng paglalahad ng mga panibagong alituntunin sa eskwelahan sa darating na pagbabalik ng face-to-face classes.
Naitalakay din dito ang hindi pa naaaprubahang pakiusap ng unibersidad sa Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) patungkol sa pagpapatuloy ng blended set-up ng eskwelahan bagaman, kumprimado na ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa ika-07 ng Nobyembre taong 2022. Binigyang-diin din ng eskwelahan ang pagsunod sa DepEd order patungkol sa wastong health protocols at ang hindi kinakailangang pagsuot ng uniporme ng mga estudyante.
Isa rin sa adyenda ng mga pagpupulong na ito ay ang diskusyon patungkol sa mga akademikong alituntunin na pinangunahan ni Ms. Aujefel Amor Y. Lee, ang Assistant Director for Academics. Tinalakay ni Ms. Lee ang mga teknikal na kagamitang kailangan ng mga estudyante, ang mga naaayon na pag-uugali sa online class, ang grading system, at ang feed backing mechanism ng mga guro. Ito ay upang malinang ang kaalaman ng mga magulang ukol sa sistematikong pamamaraan ng AdDU SHS sa pagtaguyod ng online class at transisyon para sa pagbubukas muli ng traditional classes.
Kabilang na rin sa mga itinalakay ay ang paglunsad ng yirbuk para sa mga estudyanteng nasa labindalawang baitang na pinasimunuan ni Ms. Samantha Danielle B. Dionela, ang Prefect of Discipline. Pinag-usapan dito ang presyo ng yirbuk, mga alituntunin sa pagbayad, lugar at iskedyul ng photo shoot, at mga importanteng petsa na kailangang tandaan. Ito ay upang maging handa ang mga magulang sa anumang aktibidad na isasakatuparan sa labas ng paaralan upang mapanatili ang kaligtasan ng bawat mag-aaral.
Dagdag pa, itinalakay rin ang sumusunod: ang papel ng mga magulang sa pag-aaral ng kanilang anak na pinag-usapan ni Mr. Rodolfo R. Daguio, Jr., ang Assistant Director for Administration, oryentasyon patungkol sa paggamit ng Hurtado20 courseware ni Ms. Analisa Batu, ang Computer Studies Cluster Leader, at formation program ni Fr. Jessel Gerard M. Gonzales, SJ, ang Assistant Director for Formation.
Pinaalalahanan din ng Office of the Registrar ang mga magulang patungkol sa mga importanteng dokumento ng mga estudyante at ipinresenta rin ang kalendaryo ng mga aktibidad para sa akademik na taong 2022-2023.
Sa huli, tinapos ang mga miting sa isang malayang diskusyon ng mga guro at mga magulang. Ang meeting na ito ang nagmistulang simula sa pagkakaisa ng administrasyon ng AdDU SHS at mga magulang ng AdDU SHS learners sa pagpapatibay ng sistematiko at maayos na pag-aaral.
No comments:
Post a Comment