Nagkainitan sina Senador Raffy Tulfo at Cynthia Villar sa usapin ng mga private developer na ginagawang residential at commercial space tulad ng subdivision, ang mga sakahan sa bansa.
Ang isyung ito ay binitawan ni Tulfo kasabay ng pagdinig ng Senado sa proposed budget ng Department of Agriculture sa taong 2023.
Kasabay nito ay tinanong niya kay Villar na umuupo bilang Senate Committee on Agriculture, kung ano na ang sunod na hakbang ng DA kaugnay ng naturang isyu.
"Lumiliit po nang lumiliit ang ating farmland. Binibili po ng malalaking developer at ginagawang residential at commercial land. Ano po ang ginagawa ng DA tungkol dito?" tanong ni Tulfo.
Itinanggi naman ni Villar ang sinabi ng kapwa senador at sinabing hindi bumibili ng lupa sa probinsya ang mga developers.
Matatandaan na siya ay nagmamay-ari ng property developer na Vista Land & Lifescapes Inc.
"That's our business. I want to tell you that we don't buy agricultural lands in the provinces. Nobody will buy houses on agricultural lands," tugon ni VIllar.
Banat naman ni Tulfo sa sagot ni Villar, siya mismo ay may patunay na ang mga sakahan ay ginagawang subdivision.
"Kaya nga po 'yan po 'yung dahilan bakit gusto ko po na maipasa na po 'yung National Land Use Act," dagdag ni Tulfo.
"It's an investment decision for [people who own the farmlands]. If somebody will buy your land at a bigger amount, maybe you can buy land that is cheaper somewhere else and build your farm there," sagot naman ni Villar.
Kasabay ng pagtatanong pa ni Tulfo sa magiging aksyon ng DA kaugnay nito, pinutol siya ni Villar sa tanong na:
"Where will the people live if you don't build subdivisions?"
"Marami pong ibang lugar na pwede pong pagtayuan ng subdivisions. Wag lang po i-take over 'yung mga farms," sagot naman nito.
EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST
No comments:
Post a Comment