Mananagot ang sinumang mamemeke ng dokumento o magbebenta ng mga registered SIM sa oras na maipatupad na ang SIM registration law.
Ito ang sinabi ni Department of Information and Communications Technology Undersecretary for Public Affairs and Foreign Relations Anna Mae Lamentillo nuong Miyerkules, Disyembre 14.
Aniya, ang mapapatunayang nameke at nagbigay ng maling impormasyon sa registration ng SIM ay magmumulta ng hindi bababa sa P100,000 at pagkakulong ng anim na buwan hanggang 2 taon.
"Penalized po yun by law, kung magsisinungaling po kayo, or if you're going to provide false of fictitious information or magbibigay po kayo ng fictitious identities or fraudulent identification document, meron yan penalty," ani Lamentillo sa panayam ng TeleRadyo.
Maliban dito, nakasaad din ang iba pang mga aksyon na magreresulta sa pagmumulta:
• breach of confidentiality
• selling of registered SIMs
• negligence resulting in other offenses
• spoofing to make it appear the message was sent from a certain number
• stealing registered SIM
Dagdag pa ni Lamentillo, isasagawa online ang registration ng SIM na magbibigay pagkakataon sa mga overseas Filipinos na mairehistro rin ang kanilang roaming number.
Samantala, ang mga menor de edad ay maaari ring magparehistro pero sa ilalim ng pangalan ng kanilang mga magulang.
Narito ang mga ID na tatanggapin sa SIM registration period: Passport, National ID, SSS ID, GSIS ID, Police clearance, NBI clearance at PRC ID.
Matatandaan na nitong Lunes, Disyembre 12 ay inilabas na ng National Telecommunications Commission ang implementing rules and regulations (IRR) na nagbibigay mandato sa pagpaparehistro ng lahat ng SIM sa 180 na araw simula Disyembre 27.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment