Maraming naantig ang puso sa pagsalubong ng ina ni Elisse Joson na si Dra. Barbara sa kaarawan nito.
Sa video na post ni dra sa kanyang Facebook account ay makikitang pumasok siya sa kuwarto ng aktres katabi ang anak na natutulog na.
Ginising nila ang mga ito habang kumakanta ng birthday song at may hawak na maliit na cake na may kandila.
Nagising naman si Elisse at nag-blow ng cake.
Caption ni dra. sa naturang video, " Mommy is so happy to be here with you on your birthday. Peace and happiness kay Lord yun at nasa tabi mo lang ako palagi.
"Happy happy birthday, Anak
Mahal na mahal ka ni mommy
Stay closer to God
Marami namang netizens ang nagpaabot ng pagbati at pagmamahal.
May nagsabi naman na wala si McCoy sa birthday salubong ng aktres.
Isang araw bago ang kaarawan ni Elisse ay naglabasan ang balitang kumpirmado ng hiwalay sina McCoy de Leon at Elisse na ikinalungkot ng McLisse fans. Ang nakakalungkot ay may kinalaman na naman ang tungkol sa cheating issue sa side ng aktor.
Bagaman dinenay nito na may third party involved, kumalat sa social media ang babaeng dahilan ng hiwalayan.
Sa nangyari kina McCoy at Elisse ay nagpapatunay lamang daw na true ang mother's instinct.
Matatandaang ilang beses na rin namin nasulat na kahit nagkabalikan no'n ang McLisse ay hindi ito sinang- ayunan ng ina ng aktres.
Tanda nga namin sa isa sa interview namin sa aktor ay naghihintay lamang daw siya ng tamang panahon para makausap ang ina ng aktres. Bagay na hindi na yata mangyayari dahil sa bagong kaganapan.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment