Marahil ay hindi na lingid sa ating kaalaman ang usapin sa wastong paggamit ng hazard lights. Maraming nagiging interpretasyon patungkol sa tamang paggamit nito.
Ano nga ba ang hazard light? Ito ay isa sa mga parte ng sasakyan na ginagamit upang mabigyang babala ang mga kasalubong at nasa likurang sasakyan na nakararanas ng problema ang ating sasakyan habang tayo ay nagmamaneho.
Kaya sa tuwing umuulan nang malakas, ang paggamit ng headlight ang nararapat imbes na hazard light ang gamitin. Ngunit sa kasalukuyan, ang madalas pa rin nating makikita na ginagamit ay ang hazard lights, imbes na headlights, bilang pandadag ng visibility sa daan.
Ayon sa mga eksperto, ang paggamit ng hazard lights sa mga ganitong sitwasyon ay lubhang mapanganib dahil hindi naka disenyo ang hazard light bilang pandagdag visibility tuwing umuulan. Ito ay ginawa upang magbigay babala na ang isang sasakyan ay may sira o nakararanas ng aberya na maaaring magdulot ng obstruksyon sa daan. Kung gagamitin ang hazard light kapag umuulan, lalo na sa isang expressway na mayroong dalawa lanes o higit pa sa isang direksyon, hindi malalaman ng sasakyan na nasa likuran kung sakaling ito ay lilipat ng lane na maaaring magdulot pagkalito o worst ay mag-resulta sa isang aksidente. Kaya't ugaliing magbukas na lamang ng headlight kapag inabutan tayo ng malakas na ulan sa daan at kung zero naman ang visibility ng daan ay humanap ng safe na lugar at itabi ang sasakyan. Kung naitabi na ang sasakyan ay maaari ng gamitin ang hazard light at hintaying bumuti ang visibility.
Laging tandan, ang ating kaligtasan ay nakasalalay sa ating kaalaman ng tamang pagmamaneho, tamang paggamit ng mga parte ng ating sasakyan at magandang kondisyon ng ating pangangatawan habang tayo ay nagmamaneho.
No comments:
Post a Comment