Malaking tulong sa mga motorista ang mga traffic road sign, isa na rito ang mga Advance Warning Sign. Ano ba ang mga ito at saan ito ginagamit?
Ang mga Advance Warning Sign ay nagbibigay babala sa isang drayber para makapag maniobra ng ligtas upang maiwasan ang potensyal na panganib o hazard. Isang halimbawa nito ay ang "slippery when wet," sign. Isang advance warning sign na nagbibigay babala sa mga motorista na magdahan-dahan at magbagal dahil maaari silang maaksidente dahil madulas ang daan.
Sharp turn(left/right) sa mga daan na may delikadong kurbada na kinukunsiderang mga accident prone area lalo na kapag ang driver ay hindi nakapagbagal sa tamang oras at hindi napansin ang mga simbolong ito.
Sa mga expressway tulad ng NLEX at SCTEX may iba pang advance warning signs na makikita. Ito ay safety signages tulad ng flashing arrow, traffic hazard ahead sign, traffic cones at mga plastic jersey barrier.
Ang mga ito ay nagsisilbing paunang babala sa mga motorista na mayroong saradong lane at kailangang lumipat sa katabing lane upang iwasan ang papalapit na hazard gaya ng ginagawang daan o nasiraan na sasakyan.
Isa pang advance warning sign na makikita rito ay tinatawag na Outdoor Display System (ODS), tulad ng mga nauna, ito rin ay nagbibigay impormasyon sa mga motorista sa sitwasyon ng dadaaanan.
No comments:
Post a Comment