[New post] Ano ang paghahanda ang ginagawa mo tuwing may long trip?
NLEXpress posted: " Maraming okasyon na darating sa mga susunod na buwan. Tiyak marami sa atin ay uuwi sa ating mga probinsya upang dumalaw at magdiwang kasama ang ating mga mahal sa buhay. Marami rin ang magpaplano na magbakasyon sa mga magagandang pasyalan na matatagpuan " NLEXpress
Maraming okasyon na darating sa mga susunod na buwan. Tiyak marami sa atin ay uuwi sa ating mga probinsya upang dumalaw at magdiwang kasama ang ating mga mahal sa buhay. Marami rin ang magpaplano na magbakasyon sa mga magagandang pasyalan na matatagpuan sa norte. Sigurado ay maraming paghahanda ang ginagawa ng mga driver para sa malayuang biyahe, kaya't tinanong natin ang mga motorista na dumaraan sa NLEX at SCTEX kung ano ang paghahandang ginagawa nila sa tuwing sila ay sasabak sa long trip. Ikaw, anong ang hinahanda mo bago ka bumiyahe ng malayuan?
"Chini-check ko yung makina ng sasakyan, water, gulong saka yung sa windshield. Dapat enough din ang tulog, well rested ang driver at kapag napapagod, tigil muna para magpahinga."
-Anna
"Ayusin na ang mga dapat dalhin para walang makalimutan kasi mahirap yung babalik ka pa sa pinanggalingan mo lalo na kung malayo. Kailangang nasa kondisyon din yung sasakyan, Maaga matulog at i-check lagi ang ilaw ng sasakyan, pr eno, gas, langis." –Darius
"Siyempre nasa isip ko palagi ang BLOWBAGETS. Pero dapat i-check rin ang sarili kung puyat ka at kaya mong mag drive ng malayo. Dapat gabi pa lang nag pre-prepare ka na. At saka yung destination at traffic tinitingnan ko muna sa waze kung ano ang lagay doon." – Jessie
"Siyempre tinitingnan ko kung nasa kondisyon ang sasakyan ko tapos yung mga kailangang dalhin sa long drive, katulad ng tubig. Alalahanin din yung oras ng inyong pagbiyahe para maiwasan ang traf fic." – Jayson
"Bukod sa pag-check ng langis, gulong, gas at tubig, chini-check ko rin kung may sapat na load yung RFID ng sasakyan na minamaneho ko. Kailangang isuot din ang seatbelt bago bumiyahe.
– Erwin
"Pag may long trip kailangang prepared ka, may sapat na load ang RFID at cellphone para in case ng emergency ay makakatawag ka agad ng tulong. Dapat matulog nang maaga bago ka umalis at saka ayusin muna ang sasakyan at pakiramdaman mo kung may problema bago mo bumiyahe. Magdala rin dapat ng tubig at gamot para makainom ka kung sakaling samaan ng pakiramdam."
- Arnold
"Kailangang magpahinga nang mabuti para may lakas magmaneho kahit maaga. Tapos kailangang tingnan yung sasakyan para di masiraan. I-check lagi yung langis, tubig, gasolina. At sinusuri namin ang ruta ng aming pupuntahan para alam namin kung ano dapat iwasan na daan para makaiwas sa traffic.
-Aris
"Kailangang walang aberya ang sasakyan, ang baterya, makina, gulong, tubig, at oil ay dapat tingnan bago bumiyahe. One week befor e dapat nakahanda na ang mga kailangan para di nagmamadali, kailangang kumpleto sa tulog at pag pagod na, maglaan ng tamang pahinga."
-Melvin
"Matulog nang sapat at huwag uminom kapag may malayuang biyahe kinabukasan. Mag-ingat sa pagmamaneho, huwag masyadong mabilis, kailangang 60-70kph lang ang takbo. At siyempre laging i-check ang BLOWBAG.
-Jeffrey
"Kapag may long trip, nagche-check ako ng balita o update sa traffic para makahanap ako ng ibang daan para mabilis ang biyahe. At importante na maganda ang lagay ng gulong, battery, oil, brake at pati na rin ang sarili. Dapat magpahinga nang maayos at matulog, dapat may 8hrs ang tulog at maayos ang pakiramdam para alisto sa pagmamaneho.
No comments:
Post a Comment