Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin Jr. na kanila pang iba-validate at pag-aaralan ang affidavit na inisyu ng mga Chinese national, na nagpapawalang sala sa mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) sa umanoy hulidap, kung ito ba ay ginawa ng boluntaryo o hindi at ang Internal Affairs Servise (IAS) ang siyang mag-iimbestiga dito.
"Malalaman natin ano ang buod ng katotohanan sa affidavit of desistance or denial ng mga Chinese, ang clear dyan there was an operation ng CIDG-NCR, there were arrest that was made dinala sila sa NCR from there we have to determine criminal and admin liability under col marantan," pahayag ni Azurin.
"Dalawa kasi yan criminal case and admin case so magkaiba angulo yan, it may na walang criminal case, kung hindi interesado mga chinese but we have determine the culpability kung meron violation ng police operational procedure that was violated by our operating team," dagdag ng opisyal.
Titingnan din ni Azurin ang naging operasyon ng mga tauhan ng CIDG-NCR kung bakit walang nangyaring inquest proceedings sa mga hinuling Chinese national.
"Definitely itutuloy natin (imbestigasyon) kasi there was an operation that was conducted and how come there were no inquest proceeding that were made kasi bali inaresto sila inquestable na tapos nawala (mga rmamahaling relo at bag) and then sinabi hindi pero naibalik these were the things na titingnan ng imbestigador na magconduct ng admin case," paliwanag ng PNP chief.
Samantala, handa naman umano sa gagawing imbestigasyon ang nagbitiw sa puwestong si CIDG-NCR chief Col. Hansel Marantan kasama ang kanyang mga tauhan upang malinis ang kanilang mga pangalan sa umanoy hulidap sa 13 negosyanteng chinese national kamakailan sa Paranaque City.
"I maintain that me and my men are ready and willing to undergo an impartial investigation into the matter, and we trust in the wisdom of the PNP command," pahayag ni Marantan sa kanyang statement kahapon.
Sa inilabas namang affidavit ng 13 chinese national, nililinis nila ang mga tauhan ng CIDG-NCR hinggil sa ginawang pagkuha ng pera at mga mamahaling alahas.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment