Absuwelto ang siyam na pulis na nahaharap sa kasong kriminal sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino nang payagan ng lokal na korte na makapagpiyansa dahil sa sinasabing mahinang ebidensya para sa nasabing pagpatay, na ipinakita ng prosekusyon.
"All the foregoing disquisitions considered, and for failure to establish strong and convincing evidence of guilt for the crime of murder, the accused must be admitted to bail in the amount of P120,000 for each of them in each of the cases," ayon kay Calbayog City Branch 31 Regional Trial Court Judge Maricar Lucero.
Kinilala ang nakapagpiyansang sina Lt. Col. Harry Sucayre, Maj. Shyrile Tan, Capt. Dino Goles, Lt. Julio Armeza Jr., Staff Sgt. Neil Cebu, Staff Sgt. Edsel Omega, Staff Sgt. Randy Merelos, Cpl. Julius Garcia at Pat. NiƱo Salem.
Ang nabanggit na mga pulis ay kinasuhan ng four counts of murder sa pagkamatay nina Aquino, Clint John Yaunder, Rodeo B. Sarion at Dennis Abayon.
Nilinaw ng hukom na ang layunin aniya ng piyansa ay upang magarantiya ang pagpapakita ng mga akusado sa paglilitis at kung kailan ito kinakailangan sa trial court.
Sinabi ng panel of state prosecutors mula sa Department of Justice na tinambangan ng siyam si Aquino at kanyang mga aide sa Labuyao Bridge, Calbayog City noong Marso 8, 2021.
ARVIN SORIANO - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment