Hinarang ng mga awtoridad ang mga bisita sa Baseco Beach sa Manila dahil sa mataas na lebel ng fecal coliform, o bacteria mula sa dumi ng tao, sa beach.
"Eh di, wala tayong magagawa. Susunod sa batas. Uwi na lang, sa bahay na paliguan," anang isang bisita.
Tanging clean-up crews mula sa Public Order and Safety Department ng Manila ang pinapayagan sa beach.
"Hinihiwalay po namin yung black seaweed doon sa mga basura na plastic," pahayag ni DPS Team Leader Sheryl Reyes. "Sobrang dumi po ng ating karagatan."
Ipinagbabawal din ang paglalangoy sa Pasig River dahil sa bacterial levels.
Hindi bubuksan sa publiko ang Baseco Beach dahil sa lebel ng coliform contamination.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment