Maaaring suspindehin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang number coding scheme upang tugunan ang posibleng maging problema ng mga pasahero sa isang linggong transport strike simula bukas Marso 6.
"Magsususpendi tayo if ever ng number coding scheme para `yung 20 percent na nababawas sa mga private vehicle ay maging available. Para makadagdag naman itong private vehicle owners sa public transport natin," pahayag ni MMDA chairman Romando Artes sa press briefing nitong Huwebes.
Posible aniyang suspindehin ang number coding sa Lunes, Marso 6, pero hindi pa ito pinal dahil ibabatay umano sa magiging lagay ng transport strike.
Dagdag pa ni Artes, hindi rin dapat magpadalus-dalos ang MMDA sa pagdedeklara ng buong linggong suspensyon ng number coding dahil hindi pa malinaw kung ilang jeepney operator ang sasama sa tigil-pasada bukas.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment