Inatasan kahapon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Commission on Higher Education (CHED) na tugunan ang kakulangan ng mga nurse sa bansa dahil sa pangingibang bansa ng mga ito.
Sabi ng pangulo, apektado na ang pagkakaloob ng epektibong healthcare service sa bansa dahil sa kakulangan ng mga nurse.
"We have to be clever about the healthcare manpower. Our nurses are the best, buong mundo na ang kalaban natin dito," wika ng pangulo sa pulong ng Private Sector Advisory Council (PSAC) Healthcare Sector group sa Malacañang nitong Miyerkoles, Marso 29.
"Lahat ng nakakausap kong president, prime minister, ang hinihingi is more nurses from the Philippines," ayon pa sa pangulo.
Pinakilos ng pangulo ang CHED para aksyunan ang problema kung paanong mapapanatili sa bansa ang mga Filipino nurse.
CALOY CARLOS - HN NEWS CORRESPONDENT
No comments:
Post a Comment