Ang grassfire, sugarcane fire o hay (dayami) fire ay karaniwang mamamataan sa kahabaan ng NLEX at SCTEX lalo na tuwing summer season. Bukod sa matinding init, nakakadagdag din dito ang pagsusunog ng mga magsasaka ng mga damo, sugarcane at dayami na kabilang sa mga nakasanayang paraan ng pag-dispose ng mga ito.
Patuloy ang ginagawang hakbang ng NLEX Corporation upang maiwasan ang pagsusunog na ito, ngunit kung sakaling makakita kayo ng grassfire habang nasa biyahe, narito ang ilang hakbang na maaari ninyong gawin:
1. Kung malaki na ang sunog at nagdudulot na ito ng zero visibility, mas makabubuting tumigil sa emergency lane (100m mula sa apektadong area) hanggang magimprove ang visibility at ligtas nang bumiyahe muli.
2. Tiyakin din na nakabukas ang inyong hazard lights habang nakatigil sa emergency lane at hinihintay ang pagkawala ng makapal na usok.
3. Tumawag sa NLEXSCTEX emergency hotline 1-35000 at ipaalam ang sitwasyon upang makapagpadala ng mga patrol officer at emergency response team.
4. Kung may NLEX-SCTEX patrol officers na namamahala sa sitwasyon, sundin ang kanilang instructions para sa inyong kaligtasan.
5. Kung sakaling nadaanan ninyo ang affected area, siguraduhing huwag tumigil sa gitna ng makapal na usok. Panatilihin ang pagiging kalmado at buksan ang inyong vehicle lights upang i-alerto ang ibang motorista. Ingatan at bagalan lamang ang pagda-drive hanggang
sa makalagpas sa usok.
6. Tandaan na makabubuting mapanatili ang pagiging kalmado sa mga sitwasyon na tulad nito. Nararapat ding sundin ang mga panuntunan upang maging maayos at ligtas ang inyong paglalakbay.
No comments:
Post a Comment