Inabisuhan ng Department of Health (DOH) ang mga ospital sa bansa na paghandaan ang pag-admit ng mga pasyenteng may COVID-19 dahil sa tumataas na bilang ng mga tinamaan nito sa mga nakaraang linggo.
"We have advised our hospitals to be prepared so that when there are additional admissions, they will be prepared at meron tayong additional COVID-19 beds," ayon kay DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire.
Inihayag ito ni Vergeire sa kabila ng wala pang masyadong naoospital anya dahil sa COVID-19.
Samantala, naniniwala ang OCTA Research Group na posibleng pumalo sa 25% ang weekly COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Guido David, noong Mayo 2 ay umakyat pa sa 19.7% ang 7-day testing positivity rate sa Metro Manila mula sa 12.7% noong April 25.
Bukod dito, naitala rin ng OCTA ang bahagyang pagtaas na rin sa NCR ng hospital occupancy sa 24.7% nitong Mayo 2, mula sa 22.5% noong nakaraang linggo.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment