Inanunsyo na rin ni Imee Hernandez na lilisanin na niya ang University of Santo Tomas para maging pro player.
Sa Instagram post ng middle blocker ng UST Golden Tigresses, nagpasalamat siya sa oportunidad na ibinigay sa kanya ng USTe.
"I had nothing to offer, yet you embraced me without hesitation. You saw in me the potential I never recognized," wika ni Hernandez.
"This community believed in me, and because of your unwavering love and support throughout the years, I reached new heights and achieved many personal goals."
Lahad ni Hernandez, ngayong nakapagtapos na siya ng kolehiyo ay panahon na para sa susunod na chapter sa kanyang playing career.
"Now that I am done with my studies, with you by my side, I am more than ready to face the bigger challenges that lie ahead as I continue to pursue my passion for the game of volleyball on a grander stage and under brighter lights. I have decided to go professional," saad niya pa.
Hindi lang siya ang aalis sa UST, inanunsyo na rin ni Eya Laure na hindi niya na lalaruin ang kanyang huling playing year para rin pumasok sa PVL.
Hindi pa pormal na inaanunsyo kung saan mapupunta ang dalawang player, ngunit may mga haka-hakang sa Chery Tiggo Crossovers mapapadpad sina Eya at Imee.
Nag-post na ng teaser ang koponan, kung saan limang bagong mukha ang inaasahang palakasin ang kanilang kampanya sa susunod na PVL conference.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment