Mas makabubuti umano kung ang ipapasok sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay manunungkulan ng limang taon at walang plano na tumakbo sa 2025 elections.
Punto ni House Minority Leader Marcelino Libanan 24 na buwan na lamang ay gaganapin na ang halalan kaya magiging maikli ang pag-upo ng mga ito sa puwesto.
"Our suggestion is for the President to appoint highly capable department heads who can focus entirely on their jobs until 2028, and who do not have any plans to run in the 2025 elections, which is just 24 months away," sabi ni Libanan.
Ang paghahain naman ng certificate of candidacy (COC) ay inaasahang gagawin sa Oktobre 2024, batay sa ginawa ng Commission on Elections sa mga nagdaang halalan.
"Secretaries keen on running for office in the mid-term polls are bound to become preoccupied with partisan political activities in a matter of months," punto pa ni Libanan.
Iginiit naman ni Libanan na walang mali sa plano ni Marcos na kumuha ng mga kandidato na natalo sa May 2022 elections.
"As long as they are highly qualified and competent individuals, it does not matter if they lost in the previous elections, considering that the ban has already expired," dagdag pa ng mambabatas.
Hinimok din ni Libanan ang Pangulo na maglagay na ng kalihim ng Department of Agriculture (DA), Department of Health (DOH), at Department of National Defense (DND).
Si Marcos ang humahawak sa DA, si Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang officer-in-charge ng DOH at si Senior Undersecretary Carlito Galvez Jr. ang OIC ng DND.
MICHAEL DINGLASAN - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment