Abot sa higit 10,000 piraso ng loose firearms ang nasabat ng mga awtoridad mula Enero hanggang Abril ngayong taon.
Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., bahagi ito ng kanilang kampanya para mapigilan ang pagkalat ng hindi lisensyadong baril na ginagamit sa krimen.
Sa ulat, may 10,214 na mga armas ang nakumpiska habang 3,208 indibidwal ang nadakip dahil sa paglabag sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act mula Enero 1 hanggang Abril 7 ng taong ito.
Ayon kay Acorda, titiyakin nilang hindi magagamit ang mga loose firearms sa krimen tulad sa panghoholdap, pagnanakaw lalo sa terorismo.
EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST
No comments:
Post a Comment