Ang tagal din palang nanigarilyo ni Ellen Adarna, 17 years.
Sa kanyang deleted Instagram stories ay sinabi niyang nakikipag-break na siya sa kanyang kaibigan nang ganun katagal.
Pero aniya ay hindi pa siya buntis kaya niya iniiwan ang paninigarilyo pero naghahanda na raw siyang mabuntis.
Nauna na ngang nasabi ni Ellen na kailangan niyang mabuntis para manganak siya sa Year of the Dragon dahil mas malakas ang tatlong 'dragon' sa pamilya.
Ilang ulit na itong sinabi ni Ellen sa mga nakalipas na interview.
Nauna na niyang ipinatanggal ang IUD or intrauterine device para magkaroon na sila ng baby ng mister niyang si Derek Ramsay.
Baby girl ang wish niya para tapos na raw ang boxing.
Boy ang only child nila ng ex na si John Lloyd Cruz.
MARU BOK - HN SHOWBIZ REPORTER
No comments:
Post a Comment