Kalaboso ang tatlong hinihinalang tulak nang makasamsam sa kanila ang mga awtoridad ng mahigit sa P100,000 halaga ng ilegal na droga sa magkakahiwalay na insidente sa Navotas City noong Miyerkoles.
Ayon kay P/Col. Allan Umipig, hepe ng Navotas City Police Station (NCPS), unang nakalawit ang suspek na si Ferdinand Pulongbaret, 49, nang makumpiskahan ito ng 32.3 gramo ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P63,843 sa buy-bust operation sa Babanse St., Barangay NBBS Kaunlaran bandang alas-9:15 ng gabi noong Miyerkoles.
Nadamba naman sa Barangay Daanghari ang suspek na si Neptali Manalaysay, 55 ng E. Nadela St., Barangay Tangos bandang alas 11:35 ng gabi kung saan narekober dito ang 3.3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P22,440.
Huling nadaklot pasado alas -dose ng hatinggabi sa Kanduli St sa Barangay NBBS Dagatdagatan ang suspek na si Bibe Salvador Jr, 29 nang makuhaan ito ng limang plastic sachet ng umano'y shabu na nagkakahalaga ng P76,840.
Kinasuhan ang mga suspek ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment