Arestado ang 17 katao kabilang ang dalawang pulis, guro, barangay chairman at iba pang opisyal at kawani ng gobyerno sa pinaigting na operasyon ng Laguna police laban sa mga sangkot sa ilegal na droga at kriminal na aktibidad, iniulat kahapon sa lalawigan ng Laguna.
Ayon kay Colonel Randy Glenn Silvio, hepe ng Laguna police, ang mga hindi pinangalanang suspek ay nadakip mula November 2022 hanggang April 2023.
Sa report ng Laguna-PNP, dalawang pulis ang naaresto sa kasong robbery-extortion at illegal gambling; barangay chairman sa kasong serious physical injury, 2 konsehal sa kasong Rape, at 3 barangay kagawad sa kasong illegal gambling.
Habang ang 10 suspek na nadakip para sa kasong paglabag sa illegal drugs na nasa second-level ay ang kawani ng munisipyo, opisyal na barangay, guro, pulis, kasapi ng Philippine Coast Guard at Philippine Red Cross volunteer.
Sinabi Silvio, sinusunod lamang nila ang kautusan at ipinapatupad ang batas nang walang takot at hindi pumapabor sa kahit sinuman maging opisyal man ito ng kahit na anong ahensya ng gobyerno.
"Ang pag-aresto sa mga suspek na ito ay nagsisilbing patunay na ginagawa ng Philippine National Police ang kanilang mga tungkulin at responsibilidad nang patas at pantay-pantay," ani Silvio.
EDNA DEL MORAL – HN INVESTIGATIVE REPORTER/COLUMNIST
No comments:
Post a Comment