Pinutakte ng mga netizen sina Quezon City Councilor Aiko Melendez at SK President Julian Trono matapos siyang mag-post ng TikTok video kung saan sumasayaw sila sa loob ng session hall.
Sa video ni Aiko, makikitang kasama niya si Julian habang nagti-Tiktok.
Ayon sa caption ni Aiko, kinunan ang TikTok video bago ang kanilang sesyon.
Maraming netizen ang kinuwestiyon ang pagsayaw nina Aiko at Julian sa loob ng session hall.
Wika ng ilan, hindi magandang image ang pinapakita ng dalawa na actor-turned-politician.
Ayon kay development worker Deo Enalpe, ang pagsayaw nina Aiko at Julian sa government premises ay nagpapakita ng kawalang paggalang.
"Wala namang problema mag Tiktok — pero sana igalang naman yung session hall," lahad ni Enalpe.
"Lugar po 'yan para gumawa ng batas hindi po para mag tiktok. Respeto naman po sana, Councilor Aiko Melendez & SK President Julian Trono," aniya pa.
Ang singer naman na si Leah Navarro, sinabi na tila hindi alam nina Aiko at Julian kung gaano kaimportante ang kanilang trabaho.
"Do these people have any idea about the importance of their jobs? If they did, they'd probably act accordingly. A sad show of ignorance," saad ni Navarro.
Naka-post pa rin ang TikTok video ni Aiko sa loob ng session hall. Mayroon pa siyang isang video kung saan kasama niya ang ilang pang konsehal na sumasayaw din.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment