Pinag-iingat ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco ang publiko sa mga pekeng overseas employment certificates (OECs) sa online.
Kaugnay ito sa pagkakasabat ng bagong batch na papaalis na mga Pinoy na nasita sa pekeng OEC's.
Iniulat ng BI travel control and enforcement unit (TCEU) ang pagkaaresto sa tatlong biktima na nagtangkang lumipad patungong Warsaw, Poland sakay ng Air China flight sa NAIA.
Sinabi ng mga biktima na isang babae at isang lalake na ni-recruit sila sa messenger at nagbayad ng P70K para sa kanilang recruitment at ticket, at karagdagang P7K para sa mabilis na pagpoproseso ng kanilang OECs.
Isa pang 28-anyos na lalaki ang naaresto sa Clark International Airport habang pa-Dubai sakay ng Emirates Airlines bilang personnel manager sa service provider at nagpakita ng pekeng dokumento.
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment