Kadalasan ay mapapanuod natin ang heartrob ng Philippines Cinema na si Piolo Pascual sa mga Rom-Com movie kasama ang mga ilang sikat na leading lady. Bukod naman kasi sa galing umarte ni Piolo or tinaguriang Papa P ng Pilipinas ay magaling din itong kumanta.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay gagawa ng isang intense horror film si Piolo Pascual at gagampanan nya ang role ng 1st filipino serial killer priest na si Fr. Severino Mallari. Tinanggap daw ni Piolo ang role na ito dahil nagustuhan nya ang script ng pelikula at very challenging daw ang kanyang magiging role.
Ikinuwento ng Presidente at Producer na Mentorque Productions na si Sir John Bryan Diamante na minsan na daw tinanggihan ni Piolo Pascual ang proyektong "Mallari" dahil sa busy schedule nito pero dahil naniniwala daw sya na para talaga kay Piolo ang project na ito ay hinintay daw nila si Piolo para tanggapin ang project. Balak daw ipasok ni Sir Bryan ang pelikulang ito sa Metro Manila Film Festival at iba pang International Film Festival.
Paniguradong aabangan ang pelikulang "MALLARI" sa mga sinehan dahil bukod sa marami ang curious kung ano ba talaga ang tunay na istorya kung bakit pumapatay ang isang pari pinagsama-sama rin ang magagaling na film makers and production staff para mabuo ang isang bongga at malaking pelikulang tulad nito. This is directed by the award winning diretor Derick Cabrido.
No comments:
Post a Comment