May mensahe si dating Senador Ping Lacson sa mga politiko na nanalo dahil sa kasikatan, pauso o gimik sa publiko, aniya dapat nang itigil ang pagpapansin at simulan na ang pagseserbisyo.
Sa tweet ni Lacson nitong Huwebes, sinabi niyang wala naman umanong masama na manalo sa eleksyon dahil sa popularidad at gimik dahil parte ito ng demokrasya, pero iba na aniya ang kaso kapag nanumpa na sa pwesto.
"Nothing wrong with winning an election using popularity and gimmickry – that's all part of democracy. The thing is, once you take your oath of office, stop being a showman and start becoming a statesman. Honor, not humor," pahayag ng dating mambabatas at hepe ng Philippine National Police.
Dagdag pang tweet ni Lacson, naoobsersbahan niya na nangyayari rin umano ang ganitong sitwasyon sa ibang bansa, partikular na sa United States.
"It is also happening in the USA: the candidate will not get tired of lying as long as the voters do not get tired of listening and applauding," sabi ni Lacson.
Marami naman ang sumang-ayon kay Lacson at nanawagan din sa mga kasalukuyang nakaupong politiko na ang pagiging 'artista' na puro show lang umano:
"im agree..the other politicians are just showmen if they work only state visits but no one gets investors in our country to invest and have many jobs what happened it's all expenses and I hope they prioritize being a public servant not publicity."
"I am sorry Sir ha..with what I have observe puro gimick lang tlaga and nothing they can bring to the table "
"Halos karamihan na binoto ng pinoy ay showman at full of humor kahit after ng panunumpa. Gustong-gusto ng mga pinoy yan! Sa katunayan, ayun, naipasa ang Maharlika. Tsk tsk, kawawang Pilipinas."
May ilan namang nagtanong kay Lacson kung sino ang kanyang pinapatamaan, habang ang iba gusto nang i-tag ang mga politikong napupuna nila bilang pasok sa tinutukoy ni Ping.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment