Ang Traffic Control Room (TCR) ang nagsisilbing mata, tenga, at command center sa kahabaan ng NLEX at SCTEX. Ito ay manned 24 hours a day ng mga TCR Specialists at Supervisor. Sinisigurado ng mga taga-TCR na mapanatiling smooth and fast ang daloy ng trapiko sa ating mga expressway.
Kung sakaling mayroong mamonitor at matanggap na report tungkol sa traffic build up, insidente, at mga motoristang nangangailangan ng tulong, ang mga taga-TCR ay handang mag-deploy ng assistance sa site katulad ng patrol, towing, recovery, ambulansya, fire truck at iba pa. Nakikipag-ugnayan din sila sa ating LGU partners kagaya ng PNP, BFP, at traffic enforcement agencies.
Upang masiguro ang safety at security sa kalsada, minomonitor sa TCR ang higit 100 CCTVs sa kahabaan ng NLEX at SCTEX at madadagdagan pa ang mga ito ngayong taon. Mayroon ding two-way radio communication, telephone lines at mobile phones para mas effective at mabilis ang komunikasyon sa loob at labas ng nasabing command center.
Kasama rin sa ginagawa ng mga taga-TCR ang pag-monitor ng patrol vehicles na equipped naman ng GPS locators upang mas madaling ma locate at agad na makaresponde sa anumang sitwasyon. Ang TCR personnel din ang naglalagay ng advisories na makikita sa ating mga Variable Message Sign (VMS) at maging sa Twitter account ng NLEX at SCTEX (@NLEXexpressways).
Bukod sa mga nasabing features at high tech na mga equipment na nakalagay sa TCR at mga expressway, ang lubos na maipagmamalaki namin sa NLEX at SCTEX ay ang TUNAY NA MALASAKIT. Malasakit sa lahat ng mga motoristang bumabaybay sa expressway at ang pagtulong na
walang hinihintay na kapalit.
Salamat at ingat po palagi sa byahe! Mahal po namin kayo!
No comments:
Post a Comment