[New post] Boses ng Motorista: Paghahanda sa Tag-Ulan
NLEXpress posted: " Sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan, mahalaga na isaalang-alang ng bawat isa ang kaligtasan. Paghahanda sa mga posibleng mangyayari ang pinakamabuting sandata upang makaiwas sa sakuna ngayong panahon ng tag-ulan. Para sa ilan sa aming mga biyaherong NLEX," NLEXpress
Sa pagpasok ng panahon ng tag-ulan, mahalaga na isaalang-alang ng bawat isa ang kaligtasan. Paghahanda sa mga posibleng mangyayari ang pinakamabuting sandata upang makaiwas sa sakuna ngayong panahon ng tag-ulan. Para sa ilan sa aming mga biyaherong NLEX, narito ang maibibigay nilang tips na makakatulong sa kanilang kapwa motorista upang makapaglakbay ng matiwasay.
"Importante na mag-ingat tayo sa pagmamaneho. Dahan-dahan lang at palaging maging alerto sa kalsada." – VINCENT, CLASS 1 DRIVER
"Dahan-dahan at maingat na pagmamaneho kapag tag-ulan dahil madulas ang kalsada." – VICENTE, CLASS 3 DRIVER
"Una kong tinitignan ang aking gulong bago bumiyahe." – DANILO, CLASS 2 DRIVER
"Sinisigurado kong i-check muna ang buong unit ko bago ako umalis at palaging mag-ingat sa pag-drive." – FERDINAND, CLASS 3 DRIVER
"Dahan-dahan lang sa pagpapatakbo kapatid upang makaiwas sa disgrasya." – ROGER, CLASS 2 DRIVER
"Tingnan ang gulong at preno bago umarangkada." – DARWIN, CLASS 1 DRIVER
"Sinisigurado kong maganda ang kondisyon ng aking gulong at preno bago umalis." – LANDO, CLASS 2 DRIVER
"Doble ingat sa pag-drive kapag tag-ulan at ugaliing i-check ang mga kagamitan ng sasakyan bago umalis." – NILO, CLASS 2 DRIVER
"Tatlo ang tinitignan ko bago umalis…preno, gulong at ilaw ng sasakyan." – ATON, CLASS 2 DRIVER
"Lahat ng klaseng pag-iingat dapat gawin. I-check ng mabuti ang lahat ng bagay sa sasakyan." – KIKO, CLASS 3 DRIVER
"Importante ang tamang distansya sa pagmamaneho kaya wag tutok ng tutok sa nasa unahang sasakyan." – PIDO, CLASS 2 DRIVER
"Hindi lang dapat ang sasakyan ang naka-kondisyon, mas importanteng nasa kondisyon din ang driver." – JAMES, CLASS 2 DRIVER
"Parating i-check ang brake at magdahan-dahan lang sa pagmamaneho." – EMMANUEL, CLASS 2 DRIVER
"Unang kong tinitignan ang langis, tubig at brake ng sasakyan bago bumiyahe." – ANGELITO, CLASS 1 DRIVER
"Nakakondisyon dapat ang sasakyan bago mo ito ibiyahe at i-check din ang wiper lalo na kapag umuulan." – EDUARDO, CLASS 3 DRIVER
No comments:
Post a Comment