Walang pag-aalinlangan si Senador Nancy Binay sa bagong tourism slogan na inilunsad ng Department of Tourism (DOT) subalit malaking alalahanin din umano ang gagastusin para rebranding na ito.
"Laging may kakambal na gastos ang pagbabago ng slogan and it would entail a huge amount of US dollars to start and sustain a new campaign," sabi ni Binay, chair ng Senate tourism committee.
"Sa dami ng mga kailangang nating unahin at i-prioritize na pagkagastusan we don't have sufficient funds to finance a rebrand," dagdag pa niya.
Pero dahil naihayag at nailunsad na ito ng DOT, walang umanong choice kundi tanggapan ang rebranding na ito.
"Kaso, nandyan na nga 'yan. 'Ika nga, 'pag love mo ang isang tao o bagay, tatanggapin mo anuman 'yung kanyang kakulangan, and willing ka pa rin bigyan ng chance—with the hope na mag-work out," ani Binay.
"It's nice to show the world that we are back on our feet and ready to welcome balikbayans and foreign guests. We appreciate the initiative of the DOT to enhance its marketing pitch to kickstart tourism. And I believe dumaan naman sa FGDs ang slogan," saad pa niya.
BECCA DANTES – HN HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment