Hindi pa rin nawawala ang karisma nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon o mas kilala bilang TVJ at ang legit Dabarkads dahil tinutukan ng viewers ang kanilang pagbabalik telebisyon sa bago nilang tahanan, ang TV5.
Nag-umpisa ang bagong show ng TVJ sa isang festival performance na sinundan agad ng pagdating ng legit Dabarkads sa TV5 Media Center sa Reliance St., Mandaluyong City.
Pagpasok sa kanilang bagong studio ay nag-perform agad ang legit Dabarkads na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Ryan Agoncillo, Allan K, Ryzza Mae Dizon, at Carren Eistrup.
Damang-dama nina Tito, Vic, at Joey ang pagmamahal ng mga supporter nila dahil sa walang humpay na tili at sigawan ng mga audience sa labas ng TV5 na sumalubong sa kanilang pagdating.
Habang lumalakad sa hallway papunta sa studio ay hindi napigilan ng TVJ na umiyak na talagang nagpakilabot at nagpaluha rin sa mga nanonood sa kanila.
Todo rin ang suporta ng mga pamilya at mahal sa buhay ng mga host at staff gaya nina Pasig City Mayor Vico Sotto, Pauleen Luna at iba pa na nag-serve as live audience sa kanilang unang episode sa TV5.
Another kilabot factor ang muling pagkanta ng legit Dabarkads ng theme song ng 'Eat Bulaga!' na ginawa nilang 'E.A.T.' na pag-reveal din bilang temporary title ng kanilang show.
Ayon kay Joey noong presscon nila, ang meaning ng 'E.A.T.' ay 'Eto Ang Totoo'.
Aminado naman si Joey na maliit ang kanilang bagong studio sa TV5 pero ang importante raw sama-sama sila at nangako siya na ang legit Dabarkads ang pupunta sa mga bahay-bahay para nga siguro sa kanilang 'Sugod Bahay' segment.
Hindi lang ang viewers ang sumunod sa TVJ at legit Dabarkads, pati na rin ang sangkaterbang sponsors na ibinida nila sa kanilang pilot episode.
Isang oras ang itinagal ng opening segment ng 'E.A.T.' na tinutukan ng 300K viewers sa YouTube channel ng TVJ Productions.
After ng commercial break ay sumunod naman ang kanilang bagong segment na tinawag nilang 'Da Bar' kung saan trending ang panggagaya ni Paolo kay Vice Ganda.
Sabi pa ni Paolo, "I am Vice," at nang tanungin uli kung sinong Vice, sinabi niyang, "Vice Seguerra!"
Tunay ngang tuloy-tuloy ang pagbibigay ng TVJ at legit Dabarkads ng isang libo't isang tuwa sa buong bansa sa kanilang bagong show na 'E.A.T.' at sana nga dumating ang panahon na magamit na nila ang title ng kanilang dating show.
At ang maganda, maraming nagkokomento na pinadapa ng TVJ, legit Dabarkadas ang mga katapat nila.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment