Kontra si dating Senate President Vicente "Tito" Sotto III sa plano ng Television and Production Exponents Inc. (TAPE, Inc.) ng mga Jalosjos na magdiwang ng ika-44 anniversary ng "Eat Bulaga" sa Hulyo 29.
Nagtataka si Sotto kung bakit magdiriwang ng anniversary ng "Eat Bulaga" sa GMA-7 samantalang hindi naman mga orihinal na miyembro ng programa ang mga host ngayon na sina Paolo Contis, Isko Moreno, Betong Sumaya, Buboy Villar, Alexa Miro, Cassy at Mavy Legaspi at iba pa.
"Kami orig na may karapatan mag-celebrate. From TAPE people and current hosts, none of them were there 44 years ago," diin ni Tito Sen.
Aniya, sila ang magdaraos ng anniversary sa programang "E.A.T" dahil karapatan nila ito bilang mga orihinal na host ng programa.
"Ano itatapat nila eh wala naman sila doon in the last 43 years? Feb lang pumasok mga new officers then June ito mga bagitong hosts," diin pa ni Sotto.
Nilinaw pa ni Sotto na ang ensaktong petsa ng anniversary ay Hulyo 30 pero dahil natapat ito ng Linggo ay sa Sabado sila magdiriwang sa "E.A.T".
IKE ENRIQUE - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment