Nahaharap ngayon sa patong-patong na kaso matapos masangkot sa bugbugan sa labas ng isang bar sa Makati City.
Patuloy na nakakulong si Awra, McNeal Briguela ang totoong pangalan, at nahaharap sa mga kasong physical injuries, alarm and scandal, disobedience to authority at direct assault.
Sa report ng Southern Police District (SPD), nagdulot umano ng kaguluhan si Briguela sa nabanggit na bar hanggang sa arestuhin ng mga pulis dakong alas-5:00 ng madaling araw.
Napag-alaman na sinugod ni Awra ang grupo ng complainant na si Mark Christian Ravana, na makikita sa viral video na kumakalat online.
Sinabi ng pulisya na si Briguela at ang kanyang mga kaibigan ay lumapit at hinarap si Ravana, na hinihiling na tanggalin ang kanyang kamiseta. Nang tanggihan ni Ravana, sinundan siya ni Briguela at pinunit ang kanyang kamiseta, na nagdulot ng mainit na pagtatalo, na lumaki pagkatapos sumali ang mga kaibigan ng celebrity.
Dahil dito, agad na humingi ng tulong sa Poblacion Police sina Ravana at Angelo Nino Gulmatico, isang bouncer sa bar, na agad na nirespondehan ng mga pulis.
Nang pinatitigil ng mga pulis si Briguela, lumaban pa umano ito at nagbitiw ng mga bastos na salita kaya agad na pinosasan ng mga pulis.
Ang akusasyon nina Ravana at Gulmatico, ay pinasinungalingan ng kaibigan ni Briguela na si Zayla Nakajima, at sinabing pinagtanggol lamang siya ng aktor dahil binastos siya ni Ravana.
Ayon kay Nakajima, dalawang beses siyang hinipuan umano ng isang lalaki habang nasa nasabing bar. Una ay hinawakan ang kanyang puwet at kasunod ay tinangkang hawakan ang kanyang dibdib.
"First attempt, he touched my bum and squeezed it – I was wearing a bra-top at the time. Second and worst attempt, he tried to insert his bare hands inside my bra," paglalahad ng kaibigan ni Awra.
"He is full-creep and has been roaming around the club and every time he gets near to me, I avoid him and that's where I draw the line. I decided to go home and leave," dagdag pa ni Nakajima.
Ayon pa kay Nakajima, hindi lamang siya ang binastos kungdi pati ang kasama nilang nagngangalang Mary Joy kaya nang malaman ni Briquela ay hinarap nito si Ravana para kausapin hanggang sa humantong sa mainitang pagtatalo.
"Just because Awra wanted to defend us from this creep. The guy threw fists first to Awra, of course as part of self defense, Awra fought back too. This assault is never ok, knowing it's pride month and we all just want to have fun," dagdag ps ni Nakijama.
Dahil viral na sa social media ang insidente, sinabi ni Nakijama na magsasampa siya ng kaso laban sa tinatawag niyang "abuser" na nagpapakalat ng fake news sa social media matapos arestuhin si Awra. "I feel like all of our real friends will definitely armor us with this kind of people and Awra is just too humane to be defending her girlfriends and different stories unravel online like a wildfire," sambit ni Zayla.
Ani pa niya, "The handcuffing clips circulating online tolerated negative versions of the story and this is something we don't take lightly. We are filing a strong case against this abuser and best hope this truth reveals what truly happened."
Hindi naman matanggap ng mga netizen na kung sino pa ang nagtanggol at dumepensa lamang para sa binastos na kaibigan ay siya pang napakabilis arestuhin, ikulong at kasuhan.
BECCA DANTES – HN HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment