Ito ang inihayag kahapon ni PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO) chief PBGeneral Jose Melencio Nartatez, Jr .
Kasabay nito, sinabi ni Brig General Nartatez na sinampahan na ng kaso ang limang pulis-Maynila na iniimbestigahan at tinutugis kaugnay sa kasong robbery extortion.
Sinampahan ang limang pulis ng kaso dahil sa ginawa nilang pagsalakay umano sa isang computer shop sa Sampaloc na kanilang ninakawan diumano at tinakot para hingan pa ng lingguhang payola.
Samantala, isang pulis-NCR umano ang nasangkot sa isang gulo sa Las PiƱas at isang naka-leave na pulis ang nahaharap sa reklamo namang robbery sa Dagupan.
"Nabawasan po ng pito, but we will not stop cleansing our ranks kasi po yan ang nagpapa pangit ng imahe ng philippine national police. And of course we are trying to, yung magandang serbisyo sa ating community," ani Nartatez.
"I'm wondering why these seven bad eggs ay gagawa pa ng ganung mga shenanigans. The patrolman's gross pay today is how much, close to P38,000 gross," dagdag pa niya.
Sa flagraising ceremony sa Camp Bagong Diwa, Taguig sinabi ng heneral na bukod sa lima, may dalawa pang mababawas sa hanay ng pulis sa NCRPO.
Dahil dito ay ipinahinto na niya ang sweldo at benepisyo ng mga ito at pinasasampahan na ng kaso.
"Make sure to get the report and cut pay and allowances na ngayon. Nagbigay na ako ng instruction perhaps nagawa na ngayon. R1 and R7, ensure that administrative charges, kailangan papunta na sa atin," pahayag nito.
HAZEL HEDI - HN INVESTIGATIVE REPORTER
No comments:
Post a Comment