Pinaiimbestigahan ni ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa Kamara de Representantes ang pagbaba ng mga Chinese worker sa barkong ginagamit sa reclamation activities sa Manila Bay upang magliwaliw at posibleng mag-espiya sa Pilipinas.
Ayon kay Tulfo, malinaw na nalusutan ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Immigration (BI) sa ilegal na pagbaba ng mga manggagawa sa barko.
Sinabi ng kongresista na nakuha niya ang impormasyong ito kay Speaker Ferdinand Martin Romualdez kaya agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang iberipika ito.
"Tama 'yong information ni Speaker na 'yong crew bumababa sa barko," paglalahad ni Tulfo.
Inusisa na raw niya ang PCG at BI pero nagturuan lamang ang dalawang ahensiya kung sino dapat ang humarang sa mga Chinese na bumababa ng barko.
"I ask the Philippine Coast Guard and the coast guard saying na it is the responsibility of the Bureau of Immigration. I talked to the spokesman of the Bureau of Immigration and he said like 'I think congressman it is the job of the Philippine Coast Guard kasi nasa dagat po iyan'" paglalahad ni Tulfo.
"So lumalabas na nobody is watching these people," dagdag pa nito.
ARVIN SORIANO - HN NEWS CONTRIBUTOR
No comments:
Post a Comment